^

Probinsiya

2 dedo sa engkuwentro sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 dedo sa engkuwentro sa Masbate
Kinilala ang ­nasawing komunista sa Brgy. Matagbac na si Renaldo Mollejon alyas “RM”, kasapi ng Sparu Unit, Komiting Larangan Guerilla South, Sub Regional Committee 4 ng NPA Bicol Regional Party Committee habang patuloy na kinikilala ang isa na patay na iniwan ang bangkay ng mga kasama sa Brgy. Candelaria.
STAR/File

USON, Masbate, Philippines — Dalawang kasapi ng New People’s Army ang nasawi sa dalawang araw na engkuwentro sa pagitan ng mga komunista at mga sundalo ng Philippine Army na nagsimula sa bulubunduking lugar ng Brgy. Candelaria sa bayan ng Uson at nagtapos sa Brgy. Matagbac ng ­Milagros, Masbate kahapon ng umaga.

Kinilala ang ­nasawing komunista sa Brgy. Matagbac na si Renaldo Mollejon alyas “RM”, kasapi ng Sparu Unit, Komiting Larangan Guerilla South, Sub Regional Committee 4 ng NPA Bicol Regional Party Committee habang patuloy na kinikilala ang isa na patay na iniwan ang bangkay ng mga kasama sa Brgy. Candelaria.

Sa ulat, umaga noong Sabado nang unang makasagupa ng mga sundalo mula sa 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army ang tinatayang 15 kasapi ng NPA sa Brgy. Candelaria ng Uson kung saan tumimbuwang ang isang kadre dahilan para magsitakas ang mga kasamahan nito at iwan ang bangkay.

Mula sa naturang lugar, hindi na tinantanan ng mga sundalo at hinabol ang mga tumatakas na komunista hanggang abutan nila ito kinaumagahan noong Linggo sa Brgy. Matagbac ng bayan ng Milagros at muling nagkabarilan hanggang patay na bumulagta si Mollejon na sinasabing responsable sa pangungotong at panggugulo sa mga residente ng ikatlong distrito ng Masbate.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with