^

Probinsiya

13-anyos dalagita nag-joyride: SUV salpok sa van, 15 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
13-anyos dalagita nag-joyride: SUV salpok sa van, 15 sugatan
Sa report ng La Union Police, ang SUV Toyota Fortuner, nag-trip lamang umano ng mag-joy ride bunga ng kuryosidad ang isang 13-anyos na dalagita na pinaandar ang kanilang SUV.
Illustrate by John Villamayor

MANILA, Philippines — Labinglima katao ang sugatan matapos sumalpok ang isang sports utility vehicle (SUV) na minamaneho ng isang nag-joyride na ­13-anyos na babae sa isang kasalubong na pampasaherong van sa Brgy. Ili Sur, San Juan, La Union noong Linggo ng umaga.

Sa report ng La Union Police, ang SUV Toyota Fortuner, nag-trip lamang umano ng mag-joy ride bunga ng kuryosidad ang isang 13-anyos na dalagita na pinaandar ang kanilang SUV.

Habang bumabagtas sa lugar ang SUV na matulin ang takbo ay nang-agaw ito ng linya sa kabila na eksakto namang paparating ang pampasaherong van na tuluy-tuloy nitong binangga. 

Ang pampasaherong van ay minamaneho ng isang 48-anyos na driver na taga-Caloocan City na may lulang 14 pasahero.

Ang mga ito ay pawang nasugatan sa insidente na mabilis na isinugod sa Lorma Medical Center sa San Fernando City, La Union ng mga nagrespondeng rescue team. 

Masuwerte namang gasgas lamang ang tinamo ng dalagitang driver ng SUV at ng isa pa nitong kasama na dinala rin sa Bacnotan District Hospital sa La Union para maisailalim sa pagsusuri ng mga doktor para masiguro ang kanilang kaligtasan.

VEHICLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with