Creek umapaw sa Cavite: 2 bata tinangay ng baha
CAVITE, Philippines — Nagsasagawa ng rescue and retrieval operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa pagkawala ng isang 5-anyos at 10-anyos na batang lalaki na tinangay ng tubig baha matapos na umapaw ang isang creek habang kasagsagan ng malakas na pag-ulan, kamakalawa sa dalawang barangay sa Dasmariñas City.
Kinilala ang batang nawawala sa Brgy. Datu Esmael ng nasabing lungsod na si alyas “Mohammad Yusoph”, isang mag-aaral at residente ng nasabing lugar.
Sa Brgy. Sampaloc IV, pinaghahanap din ang batang si “Prince Wiliam”, residente ng nasabing barangay matapos tangayin ng tubig baha.
Sa ulat ng pulisya, alas-3 ng hapon habang kasagsagan ng malakas na ulan, ay naglalaro ang dalawang bata sa magkahiwalay na lugar nang biglang umapaw ang creek na ‘di kalayuan sa kanilang mga bahay hanggang sa biglang tangayin ng malakas na agos ng tubig-baha ang mga batang biktima.
- Latest