2 dambuhalang high tide raragasa sa Bulacan!
BULACAN, Philippines — Maraming residente sa mga mababang lugar at baybayin ang nangangamba at nanalangin na huwag nang sabayan pa ng bagyo o matinding pag-ulan ang inaasahang pagragasa ng dalawang pinakadambuhalang high tide sa lalawigang ito.
Sa tala sa kalendaryo, alas-7:19 ng umaga nitong Lunes, Hunyo 23 ay may naitalang 4.3 feet high tide habang 4.6 feet nitong umaga ng Martes, Hunyo 24 at inaasahan bandang alas-8:46 ng umaga ngayong Miyerkules, Hunyo 25 ay may taas na 4.9 feet.
Dahil sa mga high tide na ito ay maraming binahang mababang lugar at mga kabahayan sa mga baybayin sa lalawigan.
Gayunman, pinangangambahan na mas marami pang babahain dahil sa nakaambang pagragasa pa ng dalawang pinakadambuhalang high tide sa umaga ng Huwebes at Biyernes na may taas na 5.2 feet.
- Latest