^

Probinsiya

Tsuper nadaganan ng sariling van, pisak!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Tsuper nadaganan ng sariling van, pisak!
Ang biktima ay kinilala lang sa alyas na “John”, 51, residente ng Dasmariñas City, Cavite.
File photo

Hindi nai-handbrake

MANILA, Philippines — Isang driver ang patay nang madaganan ng minamaneho niyang van na hindi niya nai-handbrake sa isang lubak sa Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilala lang sa alyas na “John”, 51, residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente. Habang minamaneho umano ng biktima ang naturang van, na may lulang 13 pasahero, at patungo sana sa isang camping trip sa Barangay ­Mascap, sa Rodriguez nang ­maganap ang insidente.

Sa imbestigasyon, sa gitna ng biyahe, nadaanan umano ng sasakyan ang isang malalim na lubak na nagresulta upang may kumalabog sa ilalim nito.

Dahil dito, bumaba ang driver at sinuri ang kondisyon ng van. Gayunman, nakalimutan umano ng driver na i-handbrake ang van sanhi upang magtuluy-tuloy itong bumulusok. Nakaladkad pa umano ng van ang driver bago ito tuluyang tumagilid at madaganan ang biktima.

Nagawa pa umano ng biktima na humingi ng saklolo mula sa mga pasahero at sumigaw ng ‘Handbrake! Handbrake!’ ngunit nataranta na rin ang mga ito, sanhi upang lalong magpagewang-gewang ang van at tuluyan siyang madaganan.

 “Medyo umulan nun at basa ‘yung kalsada doon sa area. At ‘yun nga, nung paahon sila doon sa area papuntang Mascap ay sabi may kumalabog doon sa ilalim ng van. ­Tiningnan ng kanilang driver, nakalimutan naman nung ­driver na mai-handbrake, so nagtuluy-tuloy, bumulusok ‘yung van at nakaladkad siya. Nadaganan siya dahil tumagilid ‘yung van,” ayon kay PLt. Col. Paul Macasa Sabulao, hepe ng Rodriguez Police Station, sa panayam sa telebisyon.

Nabatid na kinaila­ngan pang gumamit ng backhoe upang maiahon ang biktima mula sa pagkakaipit, ngunit patay na rin nang marekober habang bahagyang nasugatan ang ilang pasahero nito.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with