^

Probinsiya

Rider utas, 3 sugatan sa Maguindanao ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang motorista at sugatan ang tatlong iba pa matapos silang tambangan at pagbabarilin sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong hapon ng Linggo.

Sa ulat ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station nitong Lunes, na-deklarang dead-on-arrival sa isang pagamutan sa Datu Odin Sinsuat ang motoristang si Muslimin Wari Angkanan sanhi ng naturang pananambang.

Nagtamo naman ng mga maselang tama ng bala sa katawan ang kanyang mga kasama na sina Esmail Ulimpain Angkanan at Ebner ­Ulimpain Laguindab na unang isinugod ng mga emergency responders sa isang pagamutan sa Datu Odin Sinsuat at inilipat din kalaunan sa Cotabato Regional Medical Center sa Cotabato City.

May isa pang nasugatan sa naturang insidente, ang menor-de-edad na si alyas Alimudin, ayon sa mga barangay officials at mga imbestigador ng Datu Odin Sinsuat Police force.

Naniniwala ang mga kinauukulan sa Datu Odin Sinsuat na isa sa kanila ng kanyang mga kasama ang target ng mga armadong nag-ambush sa kanila.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with