^

Probinsiya

Freelance broadcaster sa GenSan itinumba!

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang freelance broadcaster na endorser din ng mga health products nang pasukin sa loob ng massage parlor at pagbabarilin nang malapitan ng riding-in-tandem sa Barangay Lagao, General Santos City nitong Lunes ng umaga.

Ang napaslang na si Ali Jejon Macalintal, kasapi ng LGBTQ community, ay broadcaster at news contributor ng mga radio stations sa General Santos City, ayon sa mga miyembro ng mga press clubs sa lungsod.

Ang biktima ay nagtatrabaho rin bilang freelance acupuncturist sa massage parlor sa nasabing lugar.

Sa insyal na ulat ng GenSan City Police nitong Lunes, si Macalintal ay nasa loob ng Delmont Spa, na isa ring physical therapy at health clinic sa Barangay Lagao sa General Santos City, nang pasukin ng isang salarin at paputukan ng pistol ng ilang beses.

Bandang alas-6 ng umaga, ayon sa pulisya nang dumating ang riding-in- tandem at isa rito ang pumasok sa loob ng massage parlor na matatagpuan sa Calina Street at nagpanggap na kustomer.

Pagpasok sa loob, agad na pinagbabaril ng nasabing lalaki ang biktima na nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib at dalawa sa tiyan.

Ang mga suspect ay mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo na sinamantala ang pagkakagulo ng mga empleyado sa nasabing massage parlor.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang biktima pero idineklara nang dead-on-arrival.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with