2 hacker-spy timbog sa checkpoint!

CAVITE, Philippines — Dalawang hackers at spy na pinaniniwalaang hawak ng mga Chinese syndicate na may pakana sa pangha-hack at pagbubukas ng mga importante at confidential system sa mga computers ang nasabat ng pulisya sa isang checkpoint operation, kahapon ng madaling araw sa Brgy. Molino 6, Bacoor City.
Ang mga naarestong suspek na tinukoy lang sa mga alyas “Christian” at “Marcie”, ay kapwa nahaharap sa mga kasong paglabag sa Misuse of Device and Illegal Interception and System Interference sa ilalim Ng Republic Act No. 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 at Espionage under Commonwealth Act No. 616 or the Espionage Act of 1941.
Sa ulat ng pulisya, matapos nilang makatanggap ng impormasyon na umano’y may magaganap na “espionage” sa isang lugar sa Cavite kung saan magha-hack ng mga sensitibong impormasyon o pag-espiya gamit ang makabagong teknolohiya.
Agad na nagsagawa ng operasyon sa mga checkpoint ang pulisya kasama ang Cavite Police Intelligence Unit at Cavite
ACG sa Soldiers Hills, Brgy, Molino 6 laban sa mga suspek, dakong alas-12:45 ng madaling araw.
Naharang ng mga pulis ang Toyota Rush na may plate number NES 8711 lulan ang dalawang suspek at nadiskubre sa loob ng sasakyan ang iba’t ibang klase ng mga machine na gamit sa pang-eespiya at pangha-hack sa mgacomputer data, Egca o E- Governance For Civil Aviation, at iba pang equipment para sa eavesdropping.
Kabilang sa umano’y hina-hack ng mga suspek ay ang mga aktibidad, pag-eespiya o pagkuha sa mga importanteng komunikasyon ng gobyerno na isinasagawa sa loob ng National Capital Region (NCR) at Region 4-A kung saan mga Chinese ang diumano’y kanilang handler.
Patuloy ang imbestigasyon at follow-up operation ng pulisya at posibleng may mga kasama o kagrupo pa umano ang dalawang nadakip.
- Latest