‘Extra income’ ang pagtutulak...Mekaniko arestado sa P1.3 milyong shabu

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang isang mekaniko sa isinagawang drug bust operation kamakalawa sa Brgy. Mambo 5, Bacoor City.
Extra income diumano ng suspek ang pagbebenta ng droga na kinilala sa alyas na Geoffrey, 32-anyos, mekaniko at residente ng Brgy. Salinas 2, Bacoor City.
Sa ulat ng pulisya, alas-11:50 ng gabi nang magkasa ng buy-bust ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite Provincial Office at Cavite Maritime Police target ang suspek.
Ayon sa PDEA, ilang araw rin nilang minanmanan ang suspek at nang magpositibo sa impormasyon sa kanyang ilegal na gawain, saka isinagawa ang buy-bust.
Nakumpiska mula sa suspek ang mahigit sa 200 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1,360,000.
- Latest