^

Probinsiya

Wanted `bomber’ ng mga bus, timbog

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Wanted `bomber’ ng mga bus, timbog
The wanted Lutre Aman Bangcailat is now detained at the office of the National Bureau of Investigation-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao in Cotabato City.
Photo courtesy of Philstar.com / John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasukol na dito sa lungsod nitong Huwebes ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isa sa apat na kasapi ng Dawlah Islamiya (DI) terrorist group na wanted sa pambobomba ng mga bus at mga establisimyento sa Central Mindanao nitong nakalipas na mga taon.

Hindi na pumalag si Lutre Aman Bangcailat nang pakitaan ng mga agents ng NBI-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 16 sa Kabacan, Cotabato kaugnay ng diumano’y pagpapasabog ng akusado at mga kasabwat nito ng bomba sa isang bus sa Tulunan, Cotabato nitong Enero 2021 na nagresulta sa pagkasawi ng isa katao at pagkasugat ng apat. 

Sa isang press briefing, ipinaliwanag ni Jonathan Balite, regional director ng NBI-BARMM, na katuwang nila sa pagtukoy sa kinaroroonan ni Bangcailat sa Barangay Rosary Heights 11 sa Cotabato City ang iba’t ibang units ng Philippine National Police (PNP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA). 

Si Bangcailat na taga-Barangay Buliok sa Pikit, Cotabato, ay kilala sa naturang bayan na miyembro ng Dawlah Islamiya at ng kaalyado nitong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na parehong itinuturong responsable sa mga madugong pambobomba sa Central Mindanao mula 2019.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with