^

Probinsiya

Suspek sa vice mayor ambush-slay sa Quezon Province, utas sa shootout

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Suspek sa vice mayor ambush-slay sa Quezon Province, utas sa shootout
Batay sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office ( QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang napaslang na suspek na si alyas Orlando, 52, kabilang sa Most Wanted Person sa Regional level at residente ng nasabing lugar. 
FIle

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang suspek sa pamamaslang sa vice mayor ng Dolores, Quezon matapos umanong makipagbarilan sa mga otoridad na aaresto sa kanya kamakalawa ng umaga sa Sitio Sta. Ana, Barangay Malao-a, Tayabas City.

Batay sa ulat ni Que­zon Police Provincial Office ( QPPO) Director PCol. Romulo Albacea, kinilala ang napaslang na suspek na si alyas Orlando, 52, kabilang sa Most Wanted Person sa Regional level at residente ng nasabing lugar. 

Ayon kay Col. Albacea, bandang alas-5:00 ng umaga ay tinungo ng mga operatiba ng Tayabas City Police, 1st QPMFC, QPPO PIU, 405th AMC RMFB4A na armado ng tatlong warrant of arrest mula sa mga korte ng San Pablo, Cavinti at Sta. Cruz Laguna ang bahay ng suspek upang arestuhin sa mga kasong Murder, paglabag sa RA 10591 at R.A. 4136. 

Gayunman, agad sinalubong ng suspek ng putok ang raiding team na sanhi upang gumanti ang mga pulis  at tamaan ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang una. 

Mabilis na isinugod sa Tayabas Community Hospital ang suspek subalit idineklarang dead-on-arrival (DOA) ng attending physician na si Dra. Carmelita Danez Pumida.

Narekober buhat sa pag-iingat ng suspek ang isang Norinco caliber 45 na may kasamang 6 na bala. 

Binanggit ni Col. Albacea na kabilang ang napaslang na suspek sa mga umambus at pumas­lang kay Dolores, Que­zon Vice Mayor Danilo Amat noong Hulyo 22, 2022 sa San Pablo City, Laguna.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with