^

Probinsiya

3 NPA official, sundalo utas sa engkuwentro!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
3 NPA official, sundalo utas sa engkuwentro!
Sa ulat nitong Biyernes ng mga local officials at ng mga pinuno ng mga ­etnikong grupo sa Kalamansig, sumiklab ang engkuwentro nang paputukan ng mga teroristang NPA ang tropa ng 37th Infantry Battalion na ipinadala sa isang liblib na lugar sa Barangay Datu Ito Andong matapos mag-ulat ang mga residente hinggil sa kanilang presensya at sapilitang panghihingi ng pera sa mga magsasaka.
Interaksyon / File

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong opisyal ng New People’s Army (NPA) ang bumulagta habang nagbuwis din ng buhay ang isang sundalo sa isang madugong engkuwentro sa Barangay Datu Ito Andong, Kalamansig, Sultan Kudarat nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa ulat nitong Biyernes ng mga local officials at ng mga pinuno ng mga ­etnikong grupo sa Kalamansig, sumiklab ang engkuwentro nang paputukan ng mga teroristang NPA ang tropa ng 37th Infantry Battalion na ipinadala sa isang liblib na lugar sa Barangay Datu Ito Andong matapos mag-ulat ang mga residente hinggil sa kanilang presensya at sapilitang panghihingi ng pera sa mga magsasaka.

Kanila ring kinumpirma na ang dalawang guerilla na napatay ng mga sundalo na kinilalang sina Brix Alison at Tomas Sales, ay may mga mataas na katungkulan sa Sub-Regional Committee-Daguma Area at Regional Sentro de Gravidad ng NPA at isang platoon medic naman ang kasama nilang nasawi sa insidente na si Myca Bunsing.

Ayon kay Lt. Col. Christopherson Capuyan, commanding officer ng 37th IB, isa sa kanyang mga tauhan na kinilalang si Corporal Jay-ar Baay at kasama sa grupong pinadala sa Barangay Datu Ito Andong, ang nasawi sa kanilang palitan ng putok sa mga teroristang NPA.

Magkahiwalay na iniulat nina Brig. Gen. Michael Santos, commander ng 603rd Infantry Brigade, at Major Gen. Donald Gumiran, hepe ng 6th Infantry Division, na nasamsam ng mga tropa ng 37th IB ang apat na M16 rifles at mga pampasabog na kanilang natagpuan sa tabi ng mga bangkay ng tatlong napatay na rebeldeng NPA.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with