P43 milyong puslit na yosi nasabat sa 2 bangka

COTABATO CITY MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga pulis ang nasa P43 milyon na halaga ng mga imported na sigarilyong lulan ng dalawang pumpboats na nasabat sa karagatang sakop ng Zamboanga City nitong Miyerkules.
Kinumpirma nitong Biyernes ng Police Regional Office-9 ang pagkakasamsam sa mga sigarilyong mula sa Indonesia sa isang seaborne operation ng mga units ng Zamboanga City Police Office malapit sa Sta. Cruz Island.
Ayon kay Police Brigadier General Roel Rodolfo, Jr., director ng PRO-9, anim na tripulante ng dalawang pumpboat ang nadetine dahil sa tangkang paghatid ng mga imported na sigarilyo sa kanilang mga contacts sa Zamboanga City.
Ang 749 na malalaking kahon ng mga sigarilyong Fort White, Tradition at Modern na gawa sa Indonesia ay nasa kustodiya na ng mga PRO-9 units na nagsagawa ng naturang anti-smuggling operation sa Bureau of Customs sa Zamboanga City.
- Latest