^

Probinsiya

Lockdown sa Mpox sa Bulacan, ‘fake news’

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Bulacan, Philippines — Taliwas sa kumakalat na balita, walang magaganap na lockdown sa lalawigang ito matapos mapaulat na may dalawang kaso ng Mpox sa lungsod San Jose Del Monte nitong Huwebes, Hunyo 19.

Sinabi ni Bulacan Governor Daniel Fernando, ang pamahalaang panlalawigan ay gumagawa ng kaukulang hakbang para mapigilan ang pagkalat ng virus sa lalawigan at mapanatiling ligtas ang mga Bulakenyo.

Nabatid na ang dalawang pasyente ay nagkaroon ng mild symptoms partikular na ng skin rashes na fully recovered na, ayon na rin sa CSJDM-City Health Office na nagsabing nagsagawa na rin ng contact tracing.

Posible umanong nakuha ng mga pasyente ang sakit mula sa kanilang mga nakasalamuha at iba pang personal na aktibidad sa labas ng lungsod.

MPOX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with