^

Probinsiya

Barangay Kagawad itinumba habang namamasada ng jeep

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Barangay Kagawad itinumba habang namamasada ng jeep
Sa report ni P/Captain John Macli-ing,hepe ng San Isidro Police, kinilala ang biktima na si Ronald Javier, kagawad ng Brgy. Pantoc, San Isidro ng lalawigan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril nang malapitan at napaslang ang isang barangay kagawad ng nag-iisang salarin sa naganap na karahasan sa Brgy. Dalimag, San Isidro, Abra nitong Miyerkules.

Sa report ni P/Captain John Macli-ing,hepe ng San Isidro Police, kinilala ang biktima na si Ronald Javier, kagawad ng Brgy. Pantoc, San Isidro ng lalawigan.

Base sa imbestigasyon, nitong Miyerkules ng umaga habang ang biktima ay abala sa pamamasada sa kaniyang sasakyan at huminto sa lugar para magsakay ng pasahero nang biglang sumulpot ang salarin.

Armado ng cal .45 pistol ay bigla na lamang pinuntirya ng pamamaril ng suspect ang biktima na nasapul ng mga tama ng bala sa katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspect patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos na maisagawa ang krimen.

Sa kasalukuyan, love triangle ang sinisilip na anggulo ng mga otoridad sa kaso habang patuloy ang masusing imbestigasyon.

ABRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with