^

Probinsiya

Senglot na obrero tepok sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Senglot na obrero tepok sa sunog
Kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima sa alyas lamang nitong “Allan”, residente ng nasabing lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Halos natusta ang katawan ng isang 21-anyos na obrero matapos ma-trap sa loob ng nasusunog nitong tahanan sa Hacienda Navidad, Brgy. Caduha-an, Cadiz City, Negros Occidental, kamakalawa.

Kinilala ng mga otoridad ang nasawing biktima sa alyas lamang nitong “Allan”, residente ng nasabing lugar.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) Cadiz City, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ihatid ang biktima ng mga kasamahan nito galing sa pakikipag-inuman sa Victorias City, Negros Occidental.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw nang magsimulang tupukin ng apoy ang tahanan ng biktima nagawa lamang sa mahihinang uri ng materyales habang ang nasabing obrero ay hindi makagulapay sa kalasingan at mahim­bing na natutulog.

Pinaniniwalaan namang napabayaang improvised na lampara ang pinagmulan ng sunog.

Ang sunog nai-report lamang sa tanggapan ng BFP dakong alas-7:00 ng umaga kung saan tupok na tupok na ang tahanan at natustang bangkay ang kanilang tanging inabutan.

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with