Mister binaril sa ulo sa harap ng pamilya
Habang naglalaro ng Bingo
CAVITE, Philippines — Patay ang isang mister makaraang barilin nang malapitan sa ulo habang naglalaro ng Bingo kasama ang pamilya nito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Caloocan, Talisay, Batangas.
Ayon sa ulat ng pulisya, Alas-10:10 ng gabi habang naglalaro ng Bingo ang biktima na si alyas “Gerald” sa lugar kasama ang pamilya nito nang lapitan ng suspek at niyaya pa siyang kumanta.
Gayunman, hindi umano pinansin ng biktima ang nasabing lalaki at ipinagpatuloy ang paglalaro ng Bingo kung kaya nagalit ang huli. Dito na agad na tinutukan ng baril sa ulo ang biktima at pinutukan.
Hindi namukhaan at nakilala ang suspek na nakasuot ng itim na pants, itim na jacket na may hood, dahil sa suot ng face mask.
Nang duguang bumulagta ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng tricycle.
- Latest