^

Probinsiya

5 katao sugatan sa aksidente sa NLEX

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MARILAO, Bulacan, Philippines — Limang indibiduwal ang nasaktan kabilang ang isang paslit matapos sumadsad patagilid ang kanilang sinasakyang multi-purpose Vehicle (MPV) nang mapadaan sa tulay na nabangga ng container van sa North Luzon Expressway (NLEX), ng bayang ito, kahapon ng tanghali.

Ayon sa impormas­yon, naganap ang insidente bandang alas-12:00 ng tanghali nitong Hunyo 18 sa Marilao bridge north bound ng NLEX.

Sa Facebook post na nag-viral, may mga netizen ang nagsabing sumadsad ang MPV nang mabangga ng container van ang ilalim na bahagi ng tulay at may malaking bumagsak na bakal.

Makikita sa post na nagtulung-tulong ang ilang residenteng kumabilang bakod sa NLEX para maitakbo ang mga biktima sa ospital para sa paunang lunas.

Dahil dito, agad namang dumating ang mga patrolman ng NLEX para tulungan ang mga biktima at mag-assist para dumaloy nang maayos ang bumigat na trapiko.

Wala namang naiulat na nasawi sa naturang insidente at maglalabas umano ng kaukulang pahayag ang pamunuan ng NLEX hinggil sa insidenteng ito, ayon sa impormasyon.

Sinasabing kamakailan lang ay nabangga na rin ng truck ang naturang tulay na nagdulot ng ilang araw na mabigat na daloy ng trapiko.

NLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with