^

Probinsiya

4 iskul sa Laguna, sinuspinde klase sa bomb threat

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

LAGUNA, Philippines — Suspendido ang klase sa apat na pampublikong paaralan at trabaho sa munisipyo matapos na kumalat ang bomb threat sa bayan ng Santa Cruz, dito sa lalawigan, kahapon ng umaga.

Ang mga paaralan na nagsuspinde ng klase ay ang Santa Cruz Central Elementary School, Pedro Guevara Memorial High School, Laguna Senior High School (LSHS) at Santa. Cruz Integrated National High School na lahat ay matatagpuan sa loob ng Santa Cruz area at municipality at Santa Cruz Capitol.

Ayon kay Lt. Col. Alexander Alvarez, bagong talagang hepe ng Santa Cruz Police Station, natanggap ang “mensahe” isang Facebook account at hindi kilalang indibidwal bandang alas-7 ng umaga.

“Warning kami ay anonymous group na nagpapasabog ng mga gusali, kami ay may mga itinanim na bomba sa iba’t ibang paaralan sa Sta. Cruz kasama na rin ang munisipyo, capitolyo, Guevara, lscomtegrated Cruver, lscomte, lscomtegrated naka-self drestruct sasabog ito paglipas ng ilang oras nakatanim ito sa basurahan at ibang gusali sa nasabing paaralan,” ayon sa mensahe.

Bunsod nito, agad na ipinadala ang pinagsanib na puwersa ng Provincial Explosive and Canine (K9) Unit (PECU) mula sa iba’t ibang istasyon ng pulisya sa pangunguna ng mga tauhan ng Santa Cruz police at dumating sa loob ng 5-minutong pagresponde sa apat na paaralan na iniulat ng mga punong-guro at guro ang umano’y banta ng bomba.

Matapos ang paggalugad sa mga paaralan, negatibo ang mga ito sa bomba.

SANTA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with