^

Probinsiya

Dalagang nag-droga sa FB live, timbog!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

NAGA CITY, Albay, Philippines — Nahulog sa kamay ng batas ang isang 23-anyos na dalaga na nag-viral sa social media sa Bicol dahil sa pag-live streaming nito habang gumagamit ng droga matapos na masakote sa inilatag na buy-bust operation laban sa kanya sa bahay nito sa Brgy. Cararayan, Naga City, Camarines Sur kama­kalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang suspek na itinago sa alyas “Alyssa”, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, dahil sa pag-viral ng suspek makaraang mag-post ng live sa kanyang Facebook account habang nagdo-droga ay agad na tinutukan ito at minanmanan ng mga tauhan ng Naga City Police Office.

Makaraang makumpirma ay agad inilatag ng drug enforcement unit ng Police Station 6 ng Naga City Police ang buy-bust operation laban sa dalaga na hindi na nakatakas makaraang arestuhin nang i-abot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nakuha mula sa suspek ang walong plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 2-gramo na nagkakahalaga ng 13,600 piso at mga drug paraphernalia.

Nabawi rin ang ginamit na boodle money sa buy-bust.

NAGA

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with