Unang kaso ng Mpox naitala sa Tarlac

TARLAC, Philippines — Kinumpirma kahapon ni Tarlac Governor Susan Yap ang unang kaso ng Mpox (Monkeypox) sa kanilang lalawigan, base sa report ng Department of Health (DOH).
Bunsod nito, nagtulungan ang DOH at mga local government units sa Tarlac sa pagsasagwa ng contract tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente na tinamaan ng Mpox.
Dahil sa pagpasok ng nasabing sakit sa Tarlac, nagpaalala si Gov Yap sa mga reisdente na istriktong iobserba ang mga safety measures tulad ng palaging paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar, at umiwas na magkaroon ng direktang kontak sa isang hinihinalang may sakit at may rashes o open wounds at agad na humiling ng atensyong medikal sa pinakamalapit sa health center kapag nakaramdam ng mga sintomas.
Bukod sa Tarlac, patuloy naman kinukumpirma ng DOH ang ulat na may nauna ring kaso ng Mpox sa Sogod, Southern, Leyte.
- Latest