^

Probinsiya

Binata sinaksak ng binatilyong kapitbahay, patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SAN ANTONIO, Quezon, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 28-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng lasing na menor-de-edad na kapitbahay sa Barangay Sampaga sa bayang ito, kamakalawa ng gabi. 

Ang biktima na nagtamo ng malalalim na saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ay kinilalang si Paul, binata habang tumakas naman ang suspek na si Dave, 17-anyos.

Batay sa imbestigas­yon ni PSSg Bhembo K. Santander, officer on case, nakikipag-inuman sa harapan ng kanyang bahay sa iba pa niyang mga kapitbahay ang suspek dakong alas-7:55 ng gabi. 

Maya-maya ay dumating umano ang biktima at kinompronta ang suspek hanggang mauwi sa suntukan. 

Sa gitna ng suntukan ay nakakuha ng patalim ang suspek at inundayan ng sunud-sunod na saksak ang biktima saka mabilis na tumakbo papatakas dala ang patalim na ginamit sa krimen.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with