^

Probinsiya

Tagong mga armas ng NPA, natagpuan sa Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong M-16 rifles at mga gamit sa paggawa ng mga improvised explosive devices (EIDs) ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang natagpuan ng mga sundalo sa magkalapit na Sitio Ellaw at Sitio Basag sa Barangay Laconon sa T’boli, South Cotabato nitong Sabado.

Natunton ng mga magkasanib na mga tropa ng 37th Infantry Battalion at ng 105th Batta­lion ang kinaroroonan ng naturang mga gamit pandigma sa tulong ng mga dating kasapi ng Regional Sentro de Gravidad ng NPA na sumuko sa pamahalaan at tahimik nang naninirahan sa T’boli at mga karatig na bayan sa South Cotabato.  

Sa mga hiwalay na ulat nitong Martes nina Lt. Col. Christopherson Capuyan ng 37th Infantry Battalion at Lt. Col. Erikzen Dacoco ng 105th Infantry Battalion, naisagawa ang operasyon na nagresulta sa pagkakatagpo ng mga baril at mga pampasabog na nakalibing batay sa mga ulat ng mga da­ting kasapi ng teroristang NPA na tumiwalag na sa grupo upang makapagbagong buhay.

Ayon kay Brig. Gen. Michael Santos, commander ng 603rd Infantry Brigade na sakop ang mga battalions na pinamumunuan nila Capu­yan at Dacoco, mismong mga residente na ng mga bayan na nasa area of responsibi­lity nila ang tumutulong na magapi nang tuluyan ng pamahalaan ang ­teroristang NPA.

Sa tala, mahigit 300 NPA na ang sumuko sa iba’t ibang mga units ng 6th Infantry Division sa Central Mindanao nitong nakalipas na tatlong taon. 

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with