Animal bite center sa Imus, hinoldap
CAVITE, Philippines — Tinangay ng nag-iisang lalaki ang lahat ng perang kinita ng isang Animal Bite Center na pinasok nito at hinoldap kamakalawa ng hapon sa Brgy Anabu 2- A Imus City.
Sa ulat ng pulisya, ala-1:21 ng hapon ng dumating ang suspek sa Animal Bite Center (ABC) Anabu Branch, ng nasabing lugar at nagpanggap na kustomer. Nang makatiyempo, agad nitong nilapitan ang biktimang si alyas “Jennifer”, nurse, residente ng Brgy. Toclong, Kawit, at agad na tinutukan ng maiksing baril at nagdeklara ng hold-up.
Nilimas nito ang pera sa vault na aabot sa mahigit sa P70,000 na kinita ng nasabing establisimyento bago mabilis na tumakas sakay ng Suzuki Burgman na walang plaka.
Nakasuot ng itim na jacket, dark na pantalon, puting helmet ang tumakas na suspek.
- Latest