^

Probinsiya

21-anyos nag-alok ng droga online, arestado sa P9.75 milyong marijuana

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
21-anyos nag-alok ng droga online, arestado sa P9.75 milyong marijuana
Maayos na nakasalansan ang mga bricks ng marijuana na nasa P9.75 milyon ang halaga na ibinibenta online ng isang 21-anyos na lalaki, nang datnan ng mga operatiba ng PRO-5, sa isinagawang pagsalakay sa Brgy. Maydaso, Milaor, Camarines Sur noong Linggo ng gabi.
PDEA/Jorge Hallare

MILAOR, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang isang 21-anyos na umano’y tulak ng droga na itinuturing na high value individual na nag-aalok ng droga online matapos salakayin ng mga pulis at makuhanan ng bloke-blokeng high grade na marijuana na nagkakahalaga ng P9.75 milyon sa Zone-2, Brgy.Maydaso, Milaor, Camarines Sur noong Linggo ng gabi.

Nakakulong na at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si alyas “Reymark”, residente ng Brgy. Sta. Cruz, Naga City na kasama sa regional drug watchlist ng Police Regional Office (PRO)-5.

Pinuri ni regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon ang kanyang mga tauhan dahil ito na ang pinakamalaking huli nila laban sa droga sa Kabikolan ngayon taon.

Sa ulat, ilang araw na matiyagang minanmanan ng mga tauhan ng PRO5 ang iligal na operasyon ni Reymark na nagbebenta ng droga sa pamamagitan ng online selling nito sa kanyang private page sa Facebook. Nang matukoy ang kinaroroonan ng ak­tuwal na bahay kung saan nag-o-online ang suspek ay agad ikinasa ang high-impact anti-drug operation ng mga tauhan ng Milaor Municipal Police Station, Camarines Sur Police Provincial Office, Office of Deputy Regional Director for Operation, at Regional Drug Enforcement Unit.

Hindi na nakapalag ang suspek nang salakayin ng mga operatiba ang lugar ng iligal na operasyon nito. Tu­mambad sa mga pulis ang nasa 61 bricks ng pinatuyong marijuana na nababalot ng itim na plastik; 74 vacuum-sealed sachet na may lamang marijuana na may fruting tops; apat na rinolyo at nakabalot sa plastik na marijuana na lahat maayos na nakasalansan sa bakal na eskaparate na nagsisilbing displeyhan sa pagbebenta ng suspek.

Tinatayang tumitimbang lahat ang mga bloke ng marijuana ng 80-kilo na may street value na 9.6 milyong piso. Maliban pa ito sa 10-vacuum heat sealed sachet na highbrid marijuana o “kush” na may timbang na 100-gramo at nagkakahalaga ng P150,000.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with