P321 milyon pang ‘floating shabu’ nalambat sa Cagayan
MANILA, Philippines — Patuloy na nakakarekober ang mga awtoridad ng mga “floating shabu” matapos na muling makalambat ang mga mangingisda ng umaabot sa halagang P321 milyon ng nasabing ilegal na droga sa bayabaying sakop ng Barangay Centro 6, Claveria, Cagayan nitong Linggo ng madaling araw.
Batay sa ulat na natanggap ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, ang mga ilegal na droga na nasa loob ng 50 plastic packs ng gold tea bags na may label na “Daguanyin” at may markang Chinese character, ay tinatayang nasa 45.6 kilograms at nagkakahalaga ng ?321,800,000.
Ayon kay Nerez, dalawang araw bago nito, humigit-kumulang isang kilo ng lumulutang na shabu na nagkakahalaga ng ?6,800,000 ang narekober din sa karagatan ng Sitio Narvacan, Barangay Dilam, Calayan, Cagayan sa isinagawang seaborne patrol operation ng mga lokal na awtoridad.
Kasunod nito, isang mangingisda at isang barangay kagawad ang nagturn-over sa PDEA, Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ng isang lumutang na pakete na naglalaman ng 750 gramo ng shabu at nagkakahalaga ng ?5,100,000 sa Sitio Mingay, Brgy. San Juan, Sta. Praxedes, Cagayan.
Lahat ng narekober na lumutang na pakete ng shabu ay itinurn-over sa PDEA RO II Laboratory Office para sa qualitative at quantitative examination.
“We applaud the integrity of these fishermen. Their courage sets an example for every Filipino. It is clear that public vigilance can be one of our strongest defenses against any evil ploy of drug syndicates,” dagdag pa ni Nerez.
- Latest