^

Probinsiya

LGU worker, anak na dalaga todas sa ambush!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
LGU worker, anak na dalaga todas sa ambush!
Sa ulat, patungo sana sa isang simbahan sa Pitogo, Zamboanga del Sur ang inang si Vangie Tabunda, 50-anyos, at ang kanyang 20-anyos na dalagang anak na si Thea, nang sila ay harangin ng mga armadong lalaki at paputukan ng kanilang baril ng ilang ulit.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines - Agad namatay sa mga tama ng bala ang isang ina at kanyang anak nang tambangan ng mga ‘di kilalang suspek habang sakay ng isang trike sa Barangay Kagawasan sa Dimataling, Zamboanga del Sur nitong Linggo ng umaga.

Sa ulat, patungo sana sa isang simbahan sa Pitogo, Zamboanga del Sur ang inang si Vangie Tabunda, 50-anyos, at ang kanyang 20-anyos na dalagang anak na si Thea, nang sila ay harangin ng mga armadong lalaki at paputukan ng kanilang baril ng ilang ulit.

Sa mga hiwalay na ulat ng mga opisyal ng Dimataling Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office, agad na namatay sa mga tama ng bala ang mag-inang Tabunda.

Ang nakatatandang Tabunda ay isang cooperative development specialist ng isang local government unit sa hindi kalayuang probinsya ng Zamboanga Sibugay, ayon sa kanyang mga kamag-anak at mga local government executives sa Dimataling.

Mabilis na nakatakas ang mga nag-ambush sa mag-ina gamit ang mga motorsiklo, base sa pahayag ng mga barangay officials sa Barangay Kagawasan kung saan naganap ang insidente.

PITOGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with