^

Probinsiya

NPA rebel may P1.2 milyo patong sa ulo, arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

GUMACA, Quezon, Philippines – Nasakote na ang isang rebeldeng New People’s Army (NPA) na wanted sa mga kasong pagpatay at kidnapping at may “patong” sa ulo nito na mahigit sa P1 milyon sa ikinasang pagsalakay sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Rosario ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Base sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ruben Lacuesta, kinilala ang nadakip na si Ordasco Ordante, 61, alias “Ka Sakay”, residente ng Barangay Santa Maria Lopez, Gumaca, Quezon.

Si “Ka Sakay” ay itinuturing na Most Wanted Person sa national level at may nakapatong na P1.2 million para sa kanyang ikadarakip, ayon sa Department of Interior and Local Government Memorandum Circular No. 2025-2.

Ang pag-aresto kay “Ka Sakay” ay base sa mga arrest warrants na inisyu ni Judge Buenvinido Blancaflor, Presiding judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 95, Puerto Princesa City, na may petsang Nov. 7, 2008, na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang Warrant of Arrest (WOA) sa kasong kidnapping laban sa akusado ay nilagdaan ni Judge Jose Bayani Usman, presiding judge, Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 49, Puerto Princesa City, may petsang April 22, 2016 at wala ring inirekomendang piyansa.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with