^

Probinsiya

Quezon Province, tumanggap ng ikatlong ‘Unmodified Opinion’ mula sa COA

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Quezon Province, tumanggap ng ikatlong ‘Unmodified Opinion’ mula sa COA
Governor Helen Tan

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na taon, muling ipinamalas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon, sa pamumuno ni Quezon Governor Doktora Helen Tan, ang isang malinis at tapat na serbisyo matapos itong makatanggap ng “Unmodified Opinion” mula sa Commission on Audit (COA) para sa taong 2024.  

Ang Unmodified ­Opinion, na kilala rin bilang “Unqualified Opinion” ay isang uri ng audit opinion na maaaring ipagkaloob ng COA sa isang ahensyang walang natukoy na iregularidad, anomalya sa pananalapi, o kakula­ngan sa iniulat na pondo. Ipinapahiwatig nito na ang isinumiteng financial statements ay tama, kumpleto, at inihanda alinsunod sa umiiral na mga pamantayan ng pampublikong pananalapi.  

Matatandaang unang nakatanggap ng ‘Unmodified Opinion’ ang Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong 2023 para sa taong 2022. Mula noon, napanatili at higit pang pinagtibay ng administrasyon ni Governor Tan ang kanilang adbokasiya para sa isang transparent at malinis na gobyerno na tunay na nagsusulong ng kapakanan ng mamamayan.  

Ang muling pagkamit ng ‘Unmodified Opinion’ ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon ay sumasalamin sa matalino, tapat, at responsableng pamamahala sa pondo ng bayan at isang mahalagang batayan ng mahusay na pamamalakad at serbisyo publiko. Ito ay hindi lamang isang tagumpay ng lokal na pamahalaan, kundi isa ring patunay ng mataas na antas ng tiwala at kredibilidad na inilalaan ng mga Quezonian sa kanilang mga lider.

GOVERNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with