^

Probinsiya

5 ‘wanted’ nalambat sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
5 ‘wanted’ nalambat sa Bulacan
Sa report kay PCol. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, kinilala ang Top 5 MWP-City Level na si alyas “Ward”, 40.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang limang wanted persons kabilang ang isang Most Wanted Person (MWP) nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) sa magkakahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Sa report kay PCol. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan police, kinilala ang Top 5 MWP-City Level na si alyas “Ward”, 40.

Ayon sa report, isinilbi ng tracker team ng San Jose Del Monte Police Station ang WOA laban kay Ward bandang alas-3:40 ng hapon nitong Hunyo 12.

Nabatid na ang WOA sa kasong “New Anti-Carnapping Act of 2016 (R.A 10883)”  ay inilabas ng RTC Branch 21 sa Meycauayan City, Bulacan noong Mayo 28, 2025 na may inirekomendang piyansang P300,000.

Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon ang apat pang wanted na sina alyas “Garry” sa kasong Robbery, alyas “Cedric” sa Attempted Homicide, alyas “Tito” sa Rape at alyas “John” sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with