^

Probinsiya

Lady rider nag-dancing stunts sa highway, iniimbestigahan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang isang viral video ng isang lady rider na nagsagawa ng mapanganib na dance stunts sa kahabaan ng national highway ng Mandaue City, Cebu, ayon sa ulat kahapon.

Ang nasabing video na nag-viral sa social media ay makikita ang isang lady rider na bumibitaw sa handlebars na humihilig at nagsasayaw pa sa isang tumatakbong motorsiklo.

Habang nagpapasiklab ang nasabing lady rider ay umagaw ito ng atensiyon sa mga kapwa motorista na nagmamaneho rin ng kanilang mga behikulo.

Sa report ni P/Lt. Col. Wilbert Parilla, Director ng Highway Patrol Group–Region 7 na nilabag ng nasabing lady rider ang batas sa trapiko sa ­naging mapangahas nitong “dance moves” na lumikha ng alarma sa mga motorista sa highway.

Ayon sa opisyal, pinag­hahanap na nila ang nasabing lady rider upang isalang sa masu­sing imbestigasyon. Lubha aniyang napakadelikado ang ginawa ng lady rider na maaari nitong ikapahamak maging sa mga kasunod nitong motorista.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with