P6.8 milyong shabu samsam sa Cavite, 2 dayo timbog
MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at PNP-Cavite Maritime Police Station ang dalawang suspek na tinaguriang high value drug personalities makaraang makuhanan ng nasa P6.8 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa isang parking lot ng isang mall sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sina alyas “Khalil”, 30, magsasaka at alyas “Jamal”, 19, walang trabaho; at pawang residente ng Quezon City.
Nang magkaabutan ng droga at buy-bust money dakong alas-11:30 ng umaga sa parking lot ng mall ay agad na inaresto ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinatayang humigit kumulang sa 1000 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P6,800,000 at buy-bust money ang nakumpiska ng mga operatiba rito.
- Latest