^

Probinsiya

3 suspect sa pagpatay nanlaban sa pulis, 1 nabaril

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
3 suspect sa pagpatay nanlaban sa pulis, 1 nabaril

CAMP NAKAR, Lucena City , Philippines — Nagmistulang eksena sa pelikula ang naging pagtugis ng mga otoridad sa tatlong suspek sa pamamaslang sa isang lalaki sa bayan ng Alaminos sa Laguna makaraang mauwi sa barilan sa mga pulis kamakalawa sa Brgy. Arawan, San Antonio, ­Quezon.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ruben Lacuesta, sa nasabing encounter ay nasugatan ang isang suspek na si alyas “Aniceto”, 39 ng Barangay Tactac, Balayan, Batangas habang nadakip ang mga kasamahan nito na sina alyas “Gonzalo”, 38, at “Jay-R”, 38, pawang residente ng Barangay Arawan, San Antonio, ­Quezon.

Sa ulat ng San Antonio police sa QPPO, alas-10:45 ng umaga nang magsagawa ng follow-up operation ang kanilang mga tauhan at ng Alaminos Municipal Police kaugnay sa kaso ng pamamaril noong Hunyo 10, 2025, sa Lipa-Alaminos Bypass Road sa Barangay Santa Rosa, Alaminos, Laguna.

Ang 23-anyos na biktimang si John Hubert Cruz, na taga-Tambo Lipa City ay natagpuang nakahandusay sa gilid ng highway at tadtad ng tama ng bala.

Sa operasyon ng mga otoridad, habang nilalapitan nila ang mga suspek na sakay ng isang kotseng Toyota Corolla (UFX 827) nang biglang bumaba si Aniceto at bumunot ng kalibre .9mm saka pinaputukan ang mga operatiba.

Dahil dito, napilitan ang mga pulis na gumanti ng putok na nagresulta upang tamaan ng bala si Aniceto sa kanang braso at kalauna’y dinala sa isang ospital sa San Pablo, Laguna at nadakip ang dalawang kasama.

QPPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with