^

Probinsiya

3 magkakaibigan nalunod sa ilog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hanggang sa huli ng kanilang buhay ay magkakasamang nasawi ang tatlong magkakaibigan nang sila ay malunod habang naliligo sa ilog sa Brgy. Sisim Alto, Tumauini, Isabela, ayon sa ulat kahapon.

Ang mga biktima ay tinukoy lamang sa mga pangalang Rayver, Samson at Vince; pawang mga residente ng ­Isabela.

Sa ulat ng Isabela Police, ang mga biktima ay nagkayayaang mag-picnic at maglangoy sa Avvu River noong Martes sa Brgy. Sisim Alto, Tumauini ng lalawigang ito.

Nadiskubre ang insidente matapos isang residente sa lugar na makita ang isa sa mga biktima na lumulutang sa nasabing ilog ilang oras matapos ang mga itong malunod.

 Sa isinagawang search and rescue ­operation ng mga otoridad ay narekober naman ang dalawa pang biktima sa ilalim ng ilog.

Agad na isinugod ang mga biktima sa Tumauini Community Hospital pero idineklara na ang mga itong dead-on-arrival.

LUNOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with