Mga hindi rehistradong cooking oil, nasabat ng CIDG
MANILA, Philippines — Nasabat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 120 containers ng mga hindi rehistradong cooking oil sa isinagawang operasyon sa Barangay Mayamot, Antipolo City,Rizal.
Sa bisa ng search warrant dahil sa paglabag sa Section 10 ng Food and Drug Administration Act of 2009, isinagawa ng CIDG Rizal Provincial Field Unit ang operasyon, kasama ang Regional Mobile Force Battalion Rizal.
Aabot sa ?195,328 ang halaga ng mga mantika ang nakumpiska. Ayon sa CIDG, ang mga produkto ay walang rehistro mula sa Food and Drug Administration (FDA) at walang License to Operate (LTO).
Hindi rin dumaan ang mga produkto sa pagsusuri ng FDA kaya’t hindi dapat binebenta sa publiko.
- Latest