^

Probinsiya

2 paslit kinatay ng selosong stepdad, ina sugatan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 paslit kinatay ng selosong stepdad, ina sugatan!
Ang 4-anyos na batang babaeng biktima ay dead-on-arrival sa isang hospital sa Ormoc City habang binawian naman ng buhay ang kapatid nito habang nilalapatan ng lunas.
STAR/File

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng dalawang batang magkapatid matapos pagtatagain ng kanilang amain habang sugatan ang kanilang ina dahil umano sa matinding pagseselos sa Brgy. San Pedro, Albuera, Leyte nitong Martes.

Ang 4-anyos na batang babaeng biktima ay dead-on-arrival sa isang hospital sa Ormoc City habang binawian naman ng buhay ang kapatid nito habang nilalapatan ng lunas.

Samantalang ang kanilang ina ay patuloy namang nagpapagaling sa mga tinamong taga sa kaniyang katawan.

Batay sa report ng Leyte Police, naganap ang krimen sa loob ng tahanan ng mga biktima sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng ginang at ng kaniyang live-in partner bunga umano ng matin­ding selos ng huli.

Sa kainitan ng pagtatalo ay bigla na lamang kumuha ng matalim na itak na kung tawagin ay sundang sa Bisaya ang suspect at pinagtataga ang mga bata na noon ay kasalukuyang natutulog habang tinaga rin ang kanilang ina sa pagtatangkang pigilan ang suspect.

Kasaluluyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspect habang patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito.

LEYTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with