^

Probinsiya

Berdugong Abu Sayyaf na dumukot at nagmasaker sa 8, timbog!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Berdugong Abu Sayyaf na dumukot at nagmasaker sa 8, timbog!
Kinilala ang nasakoteng suspect na si Isnaji Jundam Hasim, 34 taong gulang at tauhan umano ng isa sa mga lider ng ASG na si Ibni Acosta.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga awtoridad ang isang notoryus na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na itinutu­ring na berdugo at sangkot din sa maraming insidente ng kidnapping for ransom sa isinagawang operasyon sa lungsod ng Zamboanga nitong Sabado.

Kinilala ang nasakoteng suspect na si Isnaji Jundam Hasim, 34 taong gulang at tauhan umano ng isa sa mga lider ng ASG na si Ibni Acosta.

Sa tala ng Police Regional Office (PRO) 9 si Hasim ay sangkot sa samut-saring kaso ng mga pagpatay at high profile kidnapping for ransom.

Kabilang sa kinasangkutan ni Hasim ay ang pag-masaker sa walong mangingisda sa karagatan ng Sirimon Island sa Brgy. Dita sa lungsod na ito noong Enero 2019. Gayundin ang pagpatay sa isang mag-asawa sa Bgy, Buenavista, Zamboanga City noong 2023.

Samantala, ang grupo rin ng suspect ang tinukoy na nasa likod ng pagdukot sa isang dayuhang Chinese na si Jian Luo sa Japmong Linyuan noong Hunyo 2024 sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay; pagdukot at pamumugot ng ulo sa biktimang si Doroteo Gonzales sa lungsod ng Zamboanga noong 2009.

Base pa sa tala, nasangkot din ang grupo ng suspect sa serye ng engkuwentro sa tropa ng military sa Basilan at bukod dito’y dawit din ang grupo nito sa gunrunning at illegal drug trade.

Nasamsam mula sa nasabing suspect ang mga armas, bala sa raid sa tahanan nito sa nabanggit na lugar. Kasalukuyan nang humihimas ng rehas na bakal ang nasakoteng suspect na nanaharap sa kasong murder, kidnapping, illegal drugs at illegal firearms.

ASG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with