^

Probinsiya

Mag-ina, 8-anyos patay sa rumagasang baha!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina, 8-anyos patay sa rumagasang baha!
Map of Sultan Kudarat.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Wala nang buhay nang matagpuan ng mga emergency responders ang isang 34-anyos na ina, anak niyang babae na grade schooler at isa pang batang lalaki dahil sa rumaragasang baha na tumama sa dalawang bayan ng Sultan Kudarat nitong Biyernes.

Kinumpirma nitong Sabado ng mga ­opisyal ng Lebak Municipal ­Disaster Risk Reduction and ­Management Office at ng mga barangay officials sa Salaman ang pagkasawi sa naturang insidente ng isang ginang na si Maila Pulido, ­34-anyos, kanyang 12-anyos na anak na si Mylene, pawang residente ng Sitio Kikatay sa Brgy. Salaman, Lebak, at isa pang batang lalaki na si Lawrence Itew, 8-anyos, matapos malunod sa kalapit na lugar ng Lebak sa Brgy. Santa Maria, Kalamansig.

Sa ulat ng mga lokal na kinauukulan, tinangay ng malakas na agos ng flashflood ang mag-ina habang sila ay lilikas sana sa ligtas, mataas na lugar sa Sitio Kitay sa Barangay Salaman nang mapunang binaha na ang kanilang kapaligiran.

Parehong natagpuang patay na ang mag-ina ng mga barangay officials at local government ­rescuers na nagresponde sa insidente matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente ng Salaman hinggil sa kalunus-lunos na sinapit ng mga biktima.

Sa report naman ni Lovely Joy Hallegado, ­Sultan Kudarat’s Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ang 8-anyos na si Itew ay nalunod nang tumaas ang tubig habang nasa ilog ng Brgy. Barangay Santa Maria, Kalamansig.

Bunsod nito, hinimok ni Hallegado sa mga residente sa nasabing mga bayan na mag-ingat at maging mapagbantay kung magpapatuloy ang mga pag-ulan upang matiyak ang kanilang kaligtasan sa pagtaas ng tubig baha at flashflood.

LEBAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with