^

Probinsiya

Bus sinuwag ng tren: 15 katao sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bus sinuwag ng tren: 15 katao sugatan
Ang tumagilid na bus matapos salpukin ng PNR train na ikinasugat ng 15 katao sa Maharlika Highway sa Brgy. Nabua, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Jorge Hallare

NABUA, Camarines Sur, Philippines —  Labinlimang katao mula sa 36 na bilang ng mga pasahero kasama ang driver ng bus ang sugatang isinugod sa iba’t ibang pagamutan matapos na mabangga ng paparating na commuter train ng Philippine National Railways (PNR) sa rail road crossing ng kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Paloyon, Nabua, Camarines Sur kahapon ng madaling araw.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng mga nasugatang ­pasahero at driver habang ­laking pasasalamat ng 22 na iba pa na hindi nasaktan sa aksidente.

Ligtas at hindi naman nasugatan ang operator ng PNR train na may body number 917PNR na kinilalang si Cesar Cariño, 54-anyos, residente ng Brgy.Tinago, Ligao City, Albay.

Sa ulat, binabagtas ng pampasaherong bus ng Mega Bus Line (NGJ-4320) na galing Metro Manila at minamaneho ni Enero Lababo Romeo, 54-anyos, ng ­Mondragon, Northern Samar ang kahabaan ng Maharlika National Highway at patungo sa direksyon ng Legazpi City sa Albay nang ­maganap ang salpukan.

Nabatid na ­pagdating sa nasabing lugar, diretsong tumawid sa rail road crossing ang bus dahilan para mabangga ang hulihang bahagi nito ng paparating namang commuter train.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang hulihang bahagi ng bus at tumalsik pa ito saka tumagilid dahilan para ang 15 na sakay ang nasugatan kabilang ang driver.

PNR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with