^

Probinsiya

Mister itinumba sa auction market

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di nakilalang salarin ang isang 35-anyos na mister habang nasa livestock auction market sa Brgy. Poblacion, Padre Garcia, Batangas, kama­kalawa.

Tadtad ng tama ng bala ang biktima na ­kinilala sa alyas na Juls, ­35-anyos, residente ng Brgy. Quilo-quilo South, Padre Garcia, Batangas.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente, kasaluku­yang nasa livestock auction market ang biktima nang biglang dumating doon ang suspek at nilapitan nito ang una bago niya sunud-sunod na binaril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang suspek tangay ang ginamit na armas.

MISTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with