300 nasunugan sa Laguna, tumanggap ng cash ayuda
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Nakatanggap ng agarang tulong pinansyal ang mga biktima ng sunog sa Santa Cruz, Laguna at nangako ng karagdagang tulong si Gobernador-elect Sol Aragones sa sandaling maupo siya sa pwesto bilang gobernador.
Ang dating field reporter at Congresswoman Aragones ay nagbibigay ng agarang suporta sa 300 biktima ng sunog, karamihan sa mga may-ari ng commercial stalls at nag-iisang negosyante ng dry goods, textile at garment products.
Ayon naman kay Abner Dionglay, senior staff ng Laguna Governor-elect senior sa Pilipino STAR Ngayon, na sa pamamagitan ng telepono, nangako si Senator-elect Christopher ‘Bong’ Go kasabay inanunsyo niya na agad siyang bibigyan ng suporta o tulong ang mga nasunugan sa Santa Cruz, Laguna.
Aniya na hiniling ng mga may-ari ng stalls sa local government unit (LGUs) na bigyan sila ng pansamantalang stalls para sa kanilang mga paninda. Binanggit ni Fire Marshal Fire Senior Inspector Cesar Morfe, natapos na ang kanilang overhauling operation at kasalukuyang nakatutok ang mga fire probers sa imbestigasyon upang matukoy ang sanhi at pinagmulan ng sunog na tinatayang P77 milyong halaga ang inabot na pinsala.
- Latest