PDLs sumailalim sa pagsasanay
ORIENTAL MINDORO, Philippines — Kinilala sa prestihiyosong World Summit on the Information Society (WSIS) 2025 ang Project PAG-ASA: Beyond Bars, na nagbibigay ng digital skills training sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Calapan City District Jail sa Oriental Mindoro.
Sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) Region IV-B, nagbibigay daan ang nasabing proyekto sa pagtuturo ng computer use, internet basics, at digital safety, tinutulungan ang mga PDLs na makapaghanda para sa muling pagharap sa lipunan --may kasanayan, dignidad, at pag-asa.
Ayon kay Jail Officer 3 Joefrie Anglo, Regional Information Officer ng BJMP MIMAROPA, ang Project PAG-ASA ay sumasalamin sa dedikasyon ng BJMP MIMAROPA na baguhin ang buhay ng mga PDLs.
- Latest