^

Probinsiya

250 pamilyang walang kuryente sa Albay, pinailawan sa libreng solar

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
250 pamilyang walang kuryente sa Albay, pinailawan sa libreng solar
Map of Albay.
Google Maps

TABACO CITY, ­Albay, Philippines- Inisyal na 250 bilang ng pamilya mula sa mga malalayo at islang lugar ng Albay na wala pang kuryente ang tumanggap ng libreng solar home system mula sa gobyerno at National Electrification Administration (NEA) na idinaan sa Albay Electric Cooperative (Aleco).

Personal na pinuntahan nina Aleco OIC-Gen. Manager Engr. Wilfredo Bucsit at Ako Bicol Party­list Cong. Elizaldy Co ang 200 na pamilya na nabigyan mula sa islang bayan ng Rapu-Rapu habang 50 pamilya naman sa Brgy. Hacienda ng Isla San Miguel sa Tabaco City.

Ayon kay Cong. Co, bahagi ito ng 1,000 ng solar home system para sa lalawigan ng Albay at patuloy pa sa ginagawang survey ang mga technical team ng Aleco upang malaman kung sino pa ang dapat bigyan.

Sa buong bansa ay 12-libo na solar home system ang ipapamigay sa mga residente na hindi pa inaabot ng electrification program.

Ang naturang ­proyekto ay matagal nilang pinag-aralan sa Kongreso at binuo katuwang ang NEA at University of the Philippines.

Sinabi ni Engr. Bucsit, libre ang unit ng solar home system pero bawat pamilyang nabigyan ay magbibigay ng 7-piso bawat araw na ilalaan para sa maintainance.

Sa pag-aaral ng NEA, ito na ang pinakamaganda at kalidad na solar power system dahil umaabot sa 10-taon ang buhay ng baterya nito at halos nasa 25 taon ang magiging serbisyo ng buong unit. Malaki rin ang capacity nito na nasa 50 watts na kaya ang limang ilaw, telebisyon, charger ng cellphone.

ALECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with