FPJ Panday Bayanihan, top party-list ng Oriental Mindoro
ORIENTAL MINDORO, Philippines — Lumitaw ang FPJ Panday Bayanihan Party-list bilang nangungunang party-list sa Oriental Mindoro matapos makakuha ng 68,732 boto. Ang tagumpay na ito ay patunay ng malawak na tiwala at kumpiyansa ng mga Mindoreño sa partido, na naghahangad ng tunay na representasyon at makabagong solusyon sa kanilang mga suliranin.
Nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat si Congressman Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng partido.
“Salamat din sa pagtitiwalang ibinigay ng mga taga-Mindoro, sa pangunguna ni Gov. Bonz Dolor. Patuloy na number one si FPJ sa puso ng mga Mindoreño mula noon hanggang ngayon!” ani Llamanzares.
Ipinapakita ng kanyang pahayag ang matibay na ugnayan ng partido sa komunidad, at kinikilala ang pamumuno ni Governor Bonz Dolor bilang susi sa pagtibay ng tiwala at pagkakaisa sa Mindoro.
Habang nagsisimula ang bagong yugto ng paglilingkod ng FPJ Panday Bayanihan Party-list, nangako silang uunahin ang kapakanan ng mga Mindoreño sa pamamagitan ng tapat na pamumuno, pangmatagalang kaunlaran, at aktibong pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan.
Sa tulong ng pagkakaisang pinapanday ng mga Mindoreño, sisikapin umano ng partido na maisakatuparan ang mga pagbabagong magpapabuti sa buhay ng bawat isa.
- Latest