^

Probinsiya

2 tirador ng panabong, arestado sa checkpoint

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ang dalawang indibiduwal na lulan ng puting van na umano’y nagnakaw ng 10 panabong na manok sa checkpoint ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso nitong Mayo 22.

Sa report na nakarating kay PCOL. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan Police, nadiskubre ang insidente sa isang gamefarm bandang alas-5:30 ng umaga sa Brgy. Umpucan.

Ayon sa report ng San Ildefonso Police Station, nakatanggap sila ng reklamo mula sa may-ari ng gamefarm na nagising sa sobrang ingay ng tahol ng mga aso at nakitang may kahina-hinalang puting van na paikut-ikot sa lugar.

Dahil dito, agad na rumesponde ang mga pulis at inalerto ang field personnel at ang 24/7 checkpoint team kaya bandang 7:50 ng umaga ay naharang nila ang puting van sa Brgy. Maasim na tugma sa deskripsyon.

Sa visual inspection sa van, tumambad ang 10 manok na nakalagay sa Mexican box na tumugma sa sumbong ng may-ari ng farm kaya inaresto ang mga suspek na sina alyas “San” at “Pedro” at kalaunay nakumpiskahan din umano ng granada, caliber .38 at mga bala.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with