^

Probinsiya

Mag-asawa, anak dedo sa hataw ng maso sa ulo

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang mag-asawa at binatilyo nilang anak nang hatawin sa ulo ng dalawang lalaki na pumasok sa kanilang bahay sa Brgy.Managok,Malaybalay City,Bukidnon,nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Malaybalay City Police Station ang mga nasawing biktima na sina ‘Jovany Andohon’, 50; misis nitong si ‘Evangeline’,48; at anak nilang si ‘Ivan’, na isang high school student.  

Masuwerteng nakapagtago ang dalawang anak na babae na pawang elementary pupil  nang pumasok at atakehin ang kanilang magulang at kuya.

Nasa kustodiya na ang dalawang anak sa barangay officials sa Managok at kanilang kamag-anak.

Sa salaysay ng magkapatid sa pulisya na pinasok ang kanilang bahay ng dalawa hindi pa kilalang lalaki na halos dis-oras na ng gabi na kung saan ay may mga dalang maso at tubo  na agad ipinalo sa ulo ng kanilang magulang na natutulog at kanilang kuya. Agad na nakalabas ng bahay ang magkapatid at nagtago.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang makilala ang mga suspek at ano ang motibo ng mga ito para patayin ang pamilya.

KRIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with