^

Probinsiya

Pasahero ng tricycle, dedo sa bangga ng van

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Pasahero ng tricycle, dedo sa bangga ng van
Kasalukuyan namang ginagamot sa Magsaysay District Hospital sanhi ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang trike driver na si Michael, 41 ng Barangay Vinas at ang isa pang pasahero na si ‘Damiel’, 28,ng Barangay Pinagbayanan.
Graphics by John Villamayor

CALAUAG, Quezon, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pasahero ng tricycle habang malubhang nasugatan ang driver at isa pang pasahero matapos na sila ay banggain ng kasalubong na delivery closed van sa Maharlika Highway na sakop ng Barangay Vinas sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan na si ‘Arvin’, 29, obrero ng Barangay Kuyaoyao.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Magsaysay District Hospital sanhi ng mga sugat sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang trike driver na si Michael, 41 ng Barangay Vinas at ang isa pang pasahero na si ‘Damiel’, 28,ng Barangay Pinagbayanan.

Sa imbestigasyon ng Calauag PNP,bandang alas-5:10 ng umaga ay binabagtas ng tricycle driver na si Michael ang kahabaan ng Maharlika Highway at pagsapit sa kurbada ay tinangka nitong iwasan ang kasalubong na Hino van na minamaneho ni Elmer,49 ng Meycauayan, Bulacan,subalit nahagip ang driver seat kaya’t  tumilapon ang lahat ng nasa tricycle.

Nahaharap sa kaukulang reklamo ang driver ng closed van na nakapiit sa municipal jail.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with