^

Probinsiya

Maayos ang takbo, walang alitang panloob sa BARMM — Macacua

Philstar.com
Maayos ang takbo, walang alitang panloob sa BARMM — Macacua
This file photo shows the BARMM government complex in Cotabato City.
Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao FB Page

COTABATO CITY, Philippine — Patuloy ang nagkakaisa at maayos na operasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na walang anumang alitang panloob na nakakaapekto sa pamamahala, ayon sa liderato ng pamahalaan sa rehiyon.

Sa isang pahayag ay tiniyak ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua na nananatiling nagkakaisa at matatag ang pamahalaang rehiyonal at nakatutok sa pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa kalusugan, edukasyon, at kabuhayan para sa mamamayang Bangsamoro. 

Aniya, walang batayan ang mga alegasyong may mismanagement na inilulunsad umano ng ilang hindi kontentong pulitiko.

Bagamat may mga hamon sa pamamahala, iginiit ni Macacua na patuloy na tinutupad ng BARMM ang mandato nitong isulong ang kaunlaran at kapayapaan sa rehiyon.

“Walang pagkaantala sa aming trabaho. Walang alitang panloob sa BARMM. Walang mismanagement. Ang mayroon tayo ay isang gumaganang pamahalaan na nakatuon sa tunay na paglilingkod,” pahayag ni Macacua.

Binigyang-diin niya na tuloy-tuloy at maagap ang paghahatid ng serbisyo, at ang ilang pagkaantala sa mga proyekto ay dulot lamang ng masusing proseso ng procurement na kinakailangan upang mapanatili ang transparency at pananagutan sa pamahalaan.

Itinampok din ng Chief Minister ang pagkakaisa sa pamunuan ng BARMM, partikular ang mahalagang papel ng Moro Islamic Liberation Front at United Bangsamoro Justice Party sa pagpapatatag ng direksyon at pagkakabuklod ng pamahalaang rehiyonal.

“Sa anumang institusyon, natural ang pagkakaroon ng mga mungkahi o puna. Ngunit hindi ito nangangahulugang may hidwaan. Nananatili kaming matatag bilang isang pamahalaan, pinag-iisa ng layunin para sa mas maunlad na kinabukasan ng Bangsamoro,” ani Macacua.

Hinimok din niya ang mas malalim na pag-unawa at makabuluhang partisipasyon ng publiko, sabay paalala na bukas ang administrasyon sa mga puna at suhestiyon bilang bahagi ng inklusibong pamamahala. Muli niyang pinagtibay ang pangakong magpatuloy sa mga hakbang tungo sa kapayapaan at pangmatagalang kaunlaran sa rehiyon.

“Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto — ito ay tungkol sa pag-unlad. Araw-araw ay ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya upang maiangat ang buhay ng ating mga kababayan at mapanatili ang kapayapaan sa ating lupang sinilangan.”

BARMM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with