Bangkay na walang ulo, palutang- lutang sa ilog
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Isang bangkay na walang ulo ang natagpuang palutang-lutang ng mga residente sa ilog sa pagitan ng dalawang bayan sa lalawigang ito.
Sa nakalap na impormasyon, ang nakataob na bangkay ay may nakalislis na kulay itim na damit pang-itaas at suot ang batik-batik na itim at puting salawal.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tumambad ang bangkay nitong Martes, Mayo 20 sa mga residenteng dumaraan sa lumang tulay na nag-uugnay sa Brgy. Upig, San Ildefonso at Brgy. Salalungan, San Rafael.
Sa Facebook post na nag-viral sa kaparehong petsa, isang netizen ang nagsabing nakita na rin ang ulo kinabukasan ng Miyerkules na palutang-lutang malapit sa nasabing ilog.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
- Latest