^

Probinsiya

Campaign materials, posters pinagbabaklas sa Calabarzon

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Ipinadala ang mga tauhan ng Calabarzon police sa paglilinis gayundin para tanggalin ang mga campaign materials, poster at iba pang gamit sa isinagawang simultaneous operation sa ilalim ng “Oplan Baklas” sa Calabarzon region, kamakalawa.

Nasa 500 pulis na pinamumunuan ni Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, direktor ng pulisya ng Calabarzon, kasama ang mga matataas na opisyal ng pulisya at kawani na nakatalaga sa iba’t ibang mga yunit ay isinagawa ang Operation Baklas sa paligid ng mga parameter ng Camp Vicente Lim, bandang alas-8 ng umaga.

Kasabay nito, ang parehong operasyon ay isinagawa rin ng iba’t ibang Police Provincial Office at City/Municipal Police Stations sa kani-kanilang area of responsibility (AOR) at nagsagawa ng clean-up drive.

Ang mga campaign materials ay iniwan ng lahat ng kandidatong nabigong tanggalin ang kanilang mga gamit at posters sa kabila ng pagtatapos ng halalan.

Sinabi ni Lucas na layunin ng Oplan Baklas na linisin ang mga pampublikong lugar mula sa mga campaign materials na nakapaskil sa mga lugar na ipinagbabawal, gayundin upang magsilbing paalala sa publiko sa kahalagahan ng pagsunod sa mga batas at regulasyong ipinatutupad sa panahon ng halalan.

Ire-recycle ang mga nakolektang campaign materials mula sa iba’t ibang bahagi ng Calabarzon region.

CALABARZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with